

Tau Gamma Phi Global Constitution
Mga Tanong at Sagot
1) Ano ang layunin ng TGP Global Constitution?
Ang mga layunin ng TGP Global Constitution, na nakalahad sa Preamble, ay magka-isa ang
lahat ng Triskelions sa buong mundo sa ilalim ng isang nagkaka-isang pamunuan, siguraduhin at ipatupad ang pagsunod sa Tenets at Code of Conduct, alisin ang pagkakawatak-watak, pag-ibayuhin ang imahe at kapakanan ng Kapatiran, siguraduhin ang pagsunod natin sa mga batas ng iba’t ibang bansa kung saan mayroon tayong konseho, at magtatag ng isang Global Board na mamumuno sa ating Kapatiran sa buong mundo.
2) Layunin ba ng TGP Global Constitution na burahin ang Tau Gamma Phi at palitan ito ng TGP Global?
HINDI. Ang Kapatirang Tau Gamma Phi ay hindi mawawala kailanman. Ang nagbabago lamang ay ang istruktura ng Kapatiran upang umangkop tayo sa ating paglaki. Nagsimula tayo sa UP bilang isang college fraternity. Hindi natin akalain na lalaki tayo ng ganito at magkakaroon ng mga miyembro sa lahat ng sulok ng mundo. Makalipas lamang ang ilang taon ay nasa marami na tayong colleges sa Metro Manila kaya naman itinatag ang Metro Manila Regional Council. Makalipas pa ang ilang taon ay kumalat na rin tayo sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, kaya nagtatag tayo ng iba’t ibang konseho sa ilang rehiyon na siyang naging dahilan upang itatag ang NEC at TGCC. Nang nag-abroad ang mga Triskelions, nagtatag tayo ng mga national councils sa iba"t ibang bansa. At ngayon ngang nasa buong mundo na tayo, marapat lamang na magtatag tayo ng worldwide, international o global na konseho.
3) Babaguhin ba ng TGP Global Constitution ang Pangalan at Seal ng Tau Gamma Phi?
HINDI. Ang pangalan at seal ng Tau Gamma Phi ay hindi mababago at mawawala kailanman. Marami tayong nakikitang seals mula sa iba’t ibang councils magmula sa barangay hanggang sa national councils. Ganun din ang TGP Global na magkakaroon ng sariling seal.
4) Nangingibabaw ba ang TGP Global Constitution sa ating Tenets and Code of Conduct?
HINDI. Ang TGP Global Constitution ay hindi nangingibabaw o pumapalit sa Tenets & Code of Conduct, bagkus ito’y isang extension na sang-ayon sa Tenets & Code of Conduct.
5) Layunin ba ng TGP Global Constitution ang magtayo ng networking business?
HINDI. Himay-himayin mo man ang TGP Global Constitution, wala itong probisyon na nagsusulong ng anumang negosyo.
6) Layunin ba ng TGP Global Constitution ang gawing political party ang TGP Global o ang Tau Gamma Phi?
HINDI. Ang TGP Global ang istrukturang pandaigdig ng Tau Gamma Phi na isang kapatiran. Kailanman ay hindi ito magiging isang political party.
7) Buburahin ba ng TGP Global Constitution ang mga existing councils?
HINDI. Ang TGP Global Constitution na dumaan sa matinding pagsusuri ng ating Founding Fathers ay sinusumite para ma-ratify ng mga nakatayong national, regional, provincial at city councils. Sila rin mismo ang maghahalal ng kanilang representative sa TGP Global Board.
8) Saan kasama ang mga city/municipal council na nasa ilalim ngayon ng provincial council?
Hindi na nag-define ng city/municipal level ang Constitution, nguni’t hindi rin pinagbabawal o binubura ang mga ito. Iniiwan na sa provincial council or sa mapapasang Local Council Code ang magiging papel ng mga ito.
9) Papalitan ba ang mga council ng Area at Cluster?
HINDI. Iyong pag-define ng “Area” at “Cluster” ay para lang magkaroon ng common designation ang mga council na magka-level. “Area” ang mga chartered city, province & countries. “Cluster” ang mga kasalukuyang Regions at grupo ng countries. Kinailangan ng ganitong definitions dahil ang mga Regional Council ngayon ay actually binubuo ng ilang geographic/political regions. For example, may ilang region ang Visayas nguni’t sa kapatiran, isang Regional Council lang ang buong Visayas. Sa US naman, lahat ng council doon ay kasalukuyang tinuturing na Regional Council.
10) Pakikialaman ba ng TGP Global Board ang constitution at by-laws ng mga nakatayo nang mga councils?
HINDI. Mananatili ang mga constitution, bylaws, at rules ng kanya-kanyang councils. Hindi layunin ng TGP Global Board na maki-alam sa lokal na pamamalakad ng mga councils.
11) Appointed lang ba ng Founding Fathers and mga officers ng TGP Global?
HINDI. Ang mga members ng TGP Global Board ay ihahalal ng ating mga elected officers. Ang ia-appoint lamang ay ang Transitory Global Board na pansamantalang manunungkulan hanggang Mayo 2020, upang isaayos ang pagtatatag at pagrerehistro ng TGP Global.
12) Lahat ba ng councils na member ng TGP Global ay dapat sumunod sa Constitution?
OO. Tulad ng lahat ng organisasyon, ang mga members ay dapat sumunod sa mga patakaran nito upang maseguro na maayos ang magiging palakad ng Kapatiran. Walang pinagka-iba iyan sa mga chapters na dapat ay sumunod sa mga patakaran ng kanilang mga regional o provincial o national councils.
13) Ano ang organizational structure ng TGP Global?
Ito ay magsisimula sa mga Chapter na binubuo ng mga active Triskelion members. Ang mga Chapter ay bumubuo ng Area. Ang mga Area ay bumubuo ng Cluster. Ang mga Cluster ang maghahalal ng members ng TGP Global Board.
14) Ano ang mangyayari sa mga school chapters?
Tulad ng sa kasalukuyang set-up, mananatili pa rin ang mga school chapters. Masasa-ilalim sila sa kanilang Area Council, kasama ng community chapters sa area.
15) Paano ang set-up ng chapter officers sa ilalim ng TGP Global?
Ang mga officers ay tulad noong school-based pa lang tayo. May Grand Triskelion (GT), Master Keeper of the Chest (MKC) at Master Keeper of the Scrolls (MKS). Mayroon din ng Auditor upang mabantayan ang mga gastusin, Election Commissioner upang mamahala ng mga halalan, at Judge upang humawak ng mga kaso.
16) Paano ihahalal ang mga officers ng TGP Global Board?
-- Chapter members boboto ng members ng Chapter Grand Council
-- Chapter Grand Councils boboto ng kanilang Chapter GTs
-- Chapter GTs boboto ng members ng kanilang Area Grand Council
-- Area Grand Council boboto ng kanilang Area GT
-- Area GTs boboto ng members ng kanilang Cluster Grand Council
-- Cluster Grand Council boboto ng Cluster GT
-- Dahil mayroong 12 Clusters, mayroon din ng 12 Cluster GTs.
-- Ang bawa’t Cluster ay mag-susumite ng tatlong Triskelion na pinili sa kanilang hanay upang umupong representante nila sa TGP Global Board, Global Electoral Commission, at Global Judicial Chamber.
17) Sino-sino ang 15 members ng TGP Global Board?
Ang members ng TGP Global Board ay 15 lahat -- 12 ay manggagaling sa 12 na Clusters at
ang 3 naman ay mga designates.
18) Sino-sino ang 12 Clusters na members ng TGP Global Board?
(1 -- NCR North) (1 -- NCR South) (1 -- Regions 1, 2 & CAR) (1 -- Region 3) (1 -- Region 4) (1 -- Region 5) (1 -- Region 6 & NIR) (1 -- Regions 7 & 8) (1 -- Regions 10, 11, 12 & 13) (1 -- Region 9 & BARMM) (1 -- Middle East, Asia and Australia) (1 -- US, Canada, Europe and Caribbean)
19) Sino-sino ang 3 designates na magiging members ng TGP Global Board?
1 -- Service Sector and Alumni Organizations (TAO/Trileg/TOL/TOM.TAUST/etc)
1 -- Mother Chapter (University of the Philippines)
1 – appointed ng Founding Fathers
20) Bakit 2 lang ang TGP Global Board members na galing sa labas ng Pilipinas?
Higit na nakararami ang mga Triskelions sa Pilipinas, kaya’t higit na nakararami rin ang representatives nila sa Board.
21) Bakit may isang seat ang UP sa TGP Global Board kung mayroon nang isang seat na nakalaan para sa mga Founding Fathers?
Ang designated seat ng Founding Fathers ay hindi exclusive sa UP Triskelions - maaring manggaling sa bang chapter ang pa-uupuin nila. May designated seat ang UP dahil tungkulin nito ang pangalagaan ang complete History, Tenets & Code of Conduct ng kapatiran, at siguraduhing wasto ang pag-intindi at pag-sunod. Dahil sa kahalagahan ng mga ito, dapat lang na ang tagapag-alaga ay laging may seat sa TGP Global Board.
22) Gaano kahaba ang term ng TGP Global Board members?
Ang unang 12 elected Board members ay magkakaroon ng staggered terms. Anim sa kanila ay magkakaroon ng 4 years term, at anim ay magkakaroon ng 2 years term. Sa susunod na botohan ay magiging 4 years na ang term ng lahat ng iboboto. Ang pag-stagger ng term ay gagawin upang maging maayos ang pagsasalin ng responsibilidad from one term to the next. Ganito din ang ginagawa sa ating Senado. Ang 3 designates ay walang fixed term at maaari silang palitan maski kailan ng mga nagappoint sa kanila. Sa wikang Ingles, “they serve at the pleasure of their appointing authority”.
23) Sino-sino ang officers ng TGP Global Board?
Ang TGP Global Board ay boboto ng Chairman at ng Global GT na siyang mamumuno sa itatatag na Executive Committee. Ang ibang mga officers ay ang Global Master Keeper of the Chest (MKC), Global Master Keeper of the Scroll (MKS), Global Auditor, Chief Election Commissioner at Chief Judge.
24) Sino ang maaaring maging member ng Tau Gamma Phi sang-ayon sa TGP Global Constitution?
Ang mga requirements para kilalaning member ng Tau Gamma Phi:
-- Tunay na Triskelion. Bawal ang colorum.
-- 18 years old at pataas.
-- Good moral character, mentally and physically fit.
-- Hindi member ng ibang fraternity na ang adhikain ay labag sa Tau Gamma Phi.
-- Bilang neophyte, may mag-sponsor na isang Triskelion.
-- Naniniwala sa Tenets and Code of Conduct.
-- Suma-ilalim sa proceso ng membership.
25) Paano ipa-process ang membership?
Ang bawa’t Triskelion ay maaaring mag-apply bilang active member sa isang school-based or community chapter na recognized ng TGP Global. Bawa’t chapter, area at cluster ay magkakaroon ng Membership Committee na pamumunuan ng Master Keeper of the Scrolls. Hindi na makakalusot ang colorum.
26) Sino-sino ang maaaring maging Global Board Member?
-- Triskelion in good standing ng 5 taon o higit pa.
-- 30 years old pataas
-- Certified active member ng isang recognized Tau Gamma Phi chapter. Hindi pwede ang mga inactive o bagong sulpot lamang.
-- Pumasa sa drug test.
-- Mayroong “unquestioned loyalty” sa Tau Gamma Phi.
-- Hindi member ng ibang organization na ang mga turo at adhikain ay labag sa Tenets at Code of Conduct, at kung saan kailangang i-renounce mo ang pagiging member mo ng Tau Gamma Phi para maging member ka nila.
-- Hindi nahatulan ng kasong kriminal na labag sa kagandahang asal (moral turpitude).
27) Kailan ang unang election ng officers ng TGP Global? Sa ikalawang Lunes ng Mayo 2022.
28) Bakit sa 2022 pa?
Dahil kailangan munang mai-ayos ang organization at rehistro ng TGP Global.
29) Habang wala pang mga elected officers, sino ang mag-aasikaso ng TGP Global?
Magkakaroon ng TRANSITORY GLOBAL BOARD.
30) Sino ang bubuo ng Transitory Global Board?
Ang 3 Founding Father ang mag-aappoint sa kanila alinsunod sa qualifications na nakasaad sa Constitution.
31) Hanggang kailan ang term ng Transitory Global Board?
Matatapos ang term nila kapag nag-sumpa na ang regular Board Members na nahalal sa Mayo 2022.
32) Bakit hindi iboboto ang Transitory Global Board?
Unang-una, napakahirap at napakagastos magpatawag ng election dahil buong mundo ang boboto. Pangalawa, ang tungkulin ng Transitory Global Board ay organizational pa lamang. Pangatlo, sa 2022 na ang regular election ng Global Board. Kung magkakaroon pa ng election ang Transitory Global Board ay baka 2022 na ay hindi pa nila nagagawa ang trabaho nila.
33) Bakit permanente at hindi binoboto ang members ng Advisory Board?
Ang mga members ng Advisory Board ay mga Triskelion na pili ng Founding Fathers dahil mayroon silang proven wisdom, leadership and commitment sa kapatiran, at hindi lang dahil sa popularity. Ang pananaw nila para sa kapatiran ay long-term, kaya’t may continuity dapat ang kanilang konseho.
34) Hindi ba magkakaroon ang conflict sa pamamahala ang Advisory Board at Global Board?
HINDI. Taga-bigay lang ng huwisyo at payo ang Advisory Board sa Global Board. Ang may decision sa pamamahala sa kapatiran ay ang Global Board.
35) Sino ang mag-aapprove at mag-raratipika ng Constitution?
Ang Constitution ay inaprubahan ng mga Founding Fathers at isinumite para ratipikahan ng mga Triskelion na namumuno bilang konsehong pangrehiyon, panglalawigan at panglungsod.
36) Sa pag-ikot ng TGP Global Task Force kasama mga FFs, isa ba itong patunay na niratipika na ang Constitution ng chapter o council na pinulong nila?
HINDI. Dahil sa kasalukuyang pandemic lockdowns, hindi na narin magawa ang mga naplanong Regional Summits & National Assembly. Ang nagagawa na lang natin ay mga virtual at physical council meetings kung saan tinitipon-tipon ang mga leaders ng councils na may boto sa ratification, upang linawin at sagutin ang mga tanong tungkol sa Constitution. Kung ang council leader na dumalo sa meeting ay may mandato ng kanyang council na iboto ang decision nito, binibilang ang boto niya. Kung walang mandato o autoridad galing sa kanyang council, ang kanyang pirma sa ratification document ay tinuturing na personal decision laming at hindi pa boto.
37) Paano kung may gustong baguhin sa Constitution?
Maaaring baguhin ang anumang bahagi ng Constitution sa pamamag-itan ng amendment or revision. Sa pag-ikot ng mga Founding Fathers, karamihan sa mga nabanggit na posibleng pagbabago ay hindi nangangailangan ng amendment; maaaring gawin ang mga ito sa pamamag-itan ng By-Laws at Implementing Rules.
38) Kapag naitatag na ang nag-iisang istruktura ng TGP sa buong mundo, ano pa ang mga programang ipapatupad maliban sa mga nabanggit na sa Preamble? Ang mga pinakamahalagang karagdagang programa ay ang pagbuo ng isang Triskelion Leadership Institute na magbibigay ng training sa leadership and management sa mga future leaders ng kapatiran, at ang pagkakaroon ng global fraternity headquarters.
ENGLISH VERSION
BELOW THIS PAGE
TGPG CONSTITUTION

ENGLISH VERSION

Below is a personal vision and proposal being shared by Tau Gamma Phi Global
Board Governor B. Juliano
If you dream, might as well dream big...
